ESKWELAHAN SA LOS BAÑOS NASUNOG

LAGUNA – Tinupok ng apoy ang ilang bahagi ng Lopez Elementary School sa Brgy. Batong Malake, sa bayan ng Los Baños noong Sabado ng gabi.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection – Los Baños, dakong alas-6:00 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa dakong likuran ng eskwelahan.

Natupok ang buong 2nd floor ng isa sa mga gusali at naabo ang limang silid-aralan.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma at nakontrol dakong alas-7:15 ng gabi at idineklarang fire-out bandang alas-8:00 ng gabi.

Inaalam pa ng BFP ang halaga ng pinsala at ang sanhi ng sunog.

Mapalad na walang nasaktan sa insidente subalit nagdulot ito ng pansamantalang pagtigil ng daloy ng mga sasakyan sa Lopez Avenue na daanan papasok at palabas ng UPLB. (NILOU DEL CARMEN)

166

Related posts

Leave a Comment