ESTUDYANTE WALANG FACE MASK, HULI SA SHABU

mask

SWAK sa hoyo ang isang 19-anyos na estudyante nang mahulihan ng lagpas sa P.3 milyong halaga shabu nang sitahin dahil walang suot na face mask sa Caloocan City.

Maliban sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at “Disobedience of lawful orders of persons in authority or their agents”, nahaharap din kasong sa paglabag sa City Ordinance 0862 na nagmamandato sa pagsusuot ng face mask, ang suspek na si Joseph Sabsalon y Beaniza, binata, ng #69 Bagong Sikat St., Brgy. 132, Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon sa ulat, naispatan si Sabsalon ng mga parak sa Bagong Sikat St., Brgy. 132, Bagong Barrio, Caloocan City noong Enero 27 ng hapon na walang suot na face mask.

Nang lalapitan ng mga awtoridad para sitahin ay nagtangkang tumakas ang suspek ngunit nahuli makaraan ang maikling habulan.

Nang kapkapan ay nakuha sa suspek isang sachet na naglalaman ng 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P340,000 ang halaga.

Bunsod nito, idineresto ang suspek sa presinto para panagutin sa pag-iingat ng ilegal na droga. (ALAN AJERO)

146

Related posts

Leave a Comment