TATLONG beses mang bumagsak, sa huli ay nakuha pa rin ni Tokyo Olympics middleweight bronze medalist Eumir Felix Marcial ang kanyang second pro fight win.
Literal na bumangon si Marcial upang talunin ang katunggaling si Peruvian Isaiah Hart via technical knockout sa 4th round sa Virgin Hotel sa Las Vegas, Nevada Linggo (Manila time).
Sa unang two rounds ay tatlong beses na-knockout ni Hart ang Zamboangueño, na swerteng nakarekober at gumanti ng mga suntok sa ulo at katawan ng Peruvian.
Tuluyang itinigil ng reperi ang orihinal na six-round fight nang tamaan si Hart ng dalawang matulis na suntok, 47 segundo bago matapos ang fourth round.
Napaganda ni Marcial ang pro fight record sa 2-0, habang si Hart ay may 6 panalo at 4KOs, 3 talo at 1 tabla.
Ang unang pro win ng Pinoy middleweight ay galing sa non-televised undercard ng Erickson-Lubin kontra Sebastian Fundora. (ANN ENCARNACION)
