EVER BILENA BEAUTIES RAMPA PARA SA BINIBINING PILIPINAS

Tapos na ang summer pero painit na nang painit ang iba’t ibang aktibidad para sa pinakaprestihiyosong beauty pageant ng bansa na Binibining Pilipinas.

Kamakailan, itinanghal ang piling mga binibini sa Beauty Tour ng Ever Bilena, ang kilalang cosmetics brand sa bansa.

Ginanap ito noong Mayo 27, 2022 sa head office ng Ever Bilena sa Caloocan City.

Sa maghapong okasyon, nagkaroon ng pagkakataon ang press na makilala ang mga kandidata sa ginanap na Photoshoot and Interviews, at Runway sa isa-isa nilang pagrampa.

Sa 40 kandidatang lumahok, pito ang nagningning at kinilalang Ever Bilena 2022 Awardees.

Pormal na iginawad ang mga espesyal na titulo sa pa­ngunguna ni Diosdado S. Sy, CEO at founder ng Ever Bilena Cosmetics, Inc.

Umangat ang kagandahan dito bilang Miss Ever Bilena na si Chelsea Fernandez ng Tacloban City. Sinundan naman ito nina:

Miss Blackwater: Herlene Nicole Budol, Angono Rizal

Miss Careline: Nicole Borromeo, Cebu

Miss Ever Organics: Diana Mackey, Nueva Ecija

Miss Hello Glow: Karen Laurrie Mendoza, Iloilo City

Miss Spotlight: Roberta Tamondong, San Pablo

Miss Hya-Loo: Nyca Bernardo, Guiguinto Bulacan

Nasa larawan ang Ever Bilena 2022 Awardees na sina (mula kaliwa) Miss Hya-Loo: Nyca Bernardo, Guiguinto Bulacan; Miss Spotlight: Roberta Tamondong, San Pablo; Miss Hello Glow: Karen Laurrie Mendoza, Iloilo City; Miss Ever Bilena: Chelsea Fernandez, Tacloban City, Miss Blackwater: Herlene Nicole Budol, Angono Rizal; Miss Careline: Nicole Borromeo, Cebu; at Miss Ever Organics: Diana Mackey, Nueva Ecija.

Sa ngayon, wala pang abiso sa susunod na mga aktibidad at coronation night ng 59th Edition ng nasabing beauty pageant. (ANN ESTERNON)

316

Related posts

Leave a Comment