EX-CALAUAN CITY MAYOR SANCHEZ, PUMANAW NA

INANUNSYO ng Bureau of Correction (BuCor) ang pagkamatay ni dating Calauan City Mayor Antonio Sanchez makaraang makaranas ng masamang pakiramdam habang nakakulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon sa BuCor, si Sanchez ay dinala sa NBP Hospital nitong Sabado dakong alas-8:30 ng umaga kung saan ito idineklarang dead on arrival.

Nauna rito, dinala si Sanchez sa ospital noong Setyembre 2020 dahil sa community-acquired pneumonia ngunit negatibo sa isinagawang swab test para sa COVID-19.

Ngunit napag-alaman na ang dating alkalde ay dumaranas ng hypertension, diabetes at kidney disease.

Matatandaang si Sanchez ay pinatawan noong 1995 ng seven life sentences para sa pagtortyur at pagpatay sa dalawang estudyante ng University of the Philippines Los Baños na na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez na nangyari noong 1993.

Naging matunog din ang pangalan ni Sanchez noong 2019 nang muntik na itong makalaya dahil sa kontrobersiyal na Republic Act No. 10592 o Good Conduct Time Allowance.

Marami ang tumutol dito naging dahilan upang maudlot ang paglaya ng dating alkalde. (JOEL O. AMONGO)

281

Related posts

Leave a Comment