EX-CONGRESSMAN, 5 PA PUMANAW SA COVID

IPINAGLULUKSA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagkamatay ni dating Iloilo Rep. Oscar Garin Sr., halos isang linggo matapos nagpositibo sa COVID-19

“We send our sympathies and prayers to the family that he has left behind, especially to our colleagues in the 18th Congress—his daughter Rep. Sharon S. Garin, and daughter-in-law Rep. Janette L. Garin,” ani House Speaker Lord Allan Velasco.

Ang 80 anyos na si Garin ay naging kinatawan ng unang distrito ng Iloilo noong 8th, 19th at 10th Congress at maging noong 12th Congress at mayor din ito ng Guimbal, Iloilo.

Inilagay sa half-mast ang bandila ng Pilipinas sa Batasan Pambansa na simbolo ng pakikiramay pagluluksa ng Kongreso sa pagkamatay ni Garin.

“To borrow Nelson Mandela’s words, ‘Death is something inevitable. When a man has done what he considers to be his duty to his people and his country, he can rest in peace.’ We mourn Tatay’s passing but we celebrate his good life. He was an amazing father in all aspects,” ayon naman kay Cong. Janette.

Sinabi ng lady solon na naging mabuting ama si Garin sa kanyang asawang si Richard “and He was a great father-in-law to me, always reminding me of what is important in life. What I appreciate most is how exceptional of a grandfather he was to Rica. He was supportive and always available to her”.

Kung naging mabuting ama aniya si Garin sa kanyang mga anak ay mas lalong naging mabuti itong ama sa kanilang bayan at distrito sa Iloilo na kanyang pinagsilbihan sa mahabang panahon.

“We cry now but we will forever cherish everything you have taught us. We mourn now but we will celebrate your life as long as we live. Mission accomplished, Tatay. Rest well in heaven,” ayon pa pahayag ni Cong. Janette.

Samantala, lima ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa Navotas City, ayon sa ulat ng health office ng lungsod.

Napag-alaman, hanggang 11:59 pm noong Setyembre 25 ay 513 na ang COVID casualties ng fishing capital, habang 940 ang active cases makaraang 48 ang nagpositibo sa virus at 25 lamang ang gumaling.

Sa kabila nito, binati ni Mayor Toby Tiangco ang nasasakupan dahil bumaba umano ang average daily attack rate (ADAR) o bilang ng mga bagong kaso bawat araw mula 36.95% noong Setyembre 2-8 sa 13.30% noong Setyembre 19-25.

Pumalo na sa 17,302 ang total confirmed COVID cases sa lungsod, at 15,579 sa mga ito ang nakarekober na.

Wala namang iniulat na namatay dahil sa COVID-19 sa Malabon City noong Setyembre 26 habang 49 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 20,218 ang positive cases sa lungsod, 636 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Baritan (5), Concepcion (10), Dampalit (1), Panghulo (15), Potrero (11), at Tonsuya (7).

Habang 71 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay nasa 18,969 ang recovered patients ng Malabon at nanatiling 613 ang COVID death toll.

Wala pang inilabas na COVID-19 cases update ang mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela habang isinusulat ito. ((BERNARD TAGUINOD/ALAIN AJERO)

87

Related posts

Leave a Comment