EX-HOUSE SPEAKER CAYETANO WALANG PLATAPORMA

MARAMING pulitiko nga-yon na tiyak ay isusuka raw ng mga botante. Kaya naman, panay pagpapapansin na lang ang ginagawa.

Pati ng mga kasamahan, isinusuka sila. Nandidiri na sa kanila.

Makikita kasi na panay paninira na lang ang ginagawa. Sa halip na maglatag ng plataporma para sa mga mahihirap sa darating na eleksiyon, aba’y puro banat sa hanapbuhay ng mga naghihikahos na tao.

Halimbawa na lang d’yan si dating House Speaker Alan Peter ­Cayetano. Panay upak na lang daw kasi sa online sabong o e-sabong ang ginagawa ng mamang ito.

Kamakailan, nanawagan ito sa mga presidential aspirants na magsalita laban sa e-sabong at iba pang uri ng online gambling. Dapat daw alam ng mga ito kung anong tinitindigan nila.

Naku, halata naman itong si Cayetano.

Ngayon lang naman ito nagsasalita laban sa sabong, kung kailan, naki­kinabang na rito nang husto ang gobyerno.

Napakalaking buwis ang inire-remit ng ilang sabong operators sa pamahalaan dahil sa regulasyon dito pero pinag-iinitan naman ni Cayetano at iba pang mambabatas. Galit na galit na para bang may personal nang motibo.

Napakaraming mamamayan o mga kababayan natin ang mawawalan ng trabaho o pagkakakitaan kapag nawala itong e-sabong. Mukhang hindi talaga nag-iisip itong si Cayetano.

Tumanda na lang siya sa pagka-mambabatas, na­ging senador na, ngayon pa lang naiisip na ipagbawal ang sabong at iba pang ­sugal. Tsk, tsk, tsk.

Isa pa itong si presidential aspirant Ping Lacson na ayaw rin daw sa e-sabong.

Ngunit matagal siyang naging hepe ng Phil. ­National Police (PNP) at senador, aba’y ngayon pa lang niya naisip na dapat daw itong ipagbawal, kung kailan milyun-milyon na ang inihahatid na pondo ng mga e-sabong operators sa kaban ng bayan para makatulong sa COVID-19 response natin.

170

Related posts

Leave a Comment