NORTH COTABATO – Binawian ng buhay kaninang umaga habang ginagamot sa isang ospital sa General Santos City, ang dating alkalde ng Antipas sa lalawigang ito na nagpositibo sa COVID-19.
Ang ulat ay kinumpirma mismo ng kamag-anak ng dating alkalde na si Vice Governor Emmylou ‘Lala’ Taliño-Mendoza. Nagpaabot din ito ng pakikiramay sa pamilyang naulila ni dating Mayor Van Cadungon.
Nabatid na sumailalim na rin sa iba’t ibang gamutan at operasyon si Cadungon dahil sa komplikasiyon ng sakit nito.
“All members of the Sangguniang Panlalawigan, staff and employees join the Cadungon family in their period of bereavement and wish them the strength and fortitude to bear the grief of his passing for the loss of a grandfather, father and brother,” ang mensahe ng bise gobernador. (BONG PAULO)
296 