EX-OMBUDSMAN MORALES SINIPA PALABAS NG HK

choncita12

(NI ABBY MENDOZA)

HINARANG sa Hong Kong International Airport si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales at agad itong ipadedeport pabalik ng bansa bilang protesta ng Beijing matapos nitong kasuhan sa International Criminal Court(ICC) si Chinese President Xi Jinping.

Si Morales ay pinipigil sa isang hiwalay na kuwarto sa HK airport at nakatakdang ipadeport pabalik ng Pilipinas kasama ng kanyang buong pamilya.

Ayon kay Morales, magtutungo sya sa Hongkong para sana sa isang bakasyon kasama ng kanyang pamilya.

Wala naman naging paliwanag ang Hongkong authorities sa ginawa nitong pagpigil kay Morales subalit maari umano na may kaugnayan ito sa nauna nang isinampang kaso ni Morales at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario laban kay Xi noong Marso 13  sa International Criminal Court (ICC) ng kasong paglabag sa humanity dahil na rin sa pagpapatupad ng systematic plan ng Beijing para kontrolin ang South China Sea.

“Kararating namin sa HK past 11 am kanina. Kasama ko ang husband ko, son,  daughter in law and 2 grand kids. ‘Di ko pinayagan ng Immigration na pumasok  sa HK. Pinapasakay ako  sa 6pm PAL flight. Immigration reason daw. Nagdecide ang family ko na babalik rin sila with me to Manila this evening. Hindi ako makatawag sa inyo,” nakasaad sa text ni Morales sa kanyang staff.

198

Related posts

Leave a Comment