EX-PCO CHIEF MAGSISILBING COS NI YORME

KINUMPIRMA ni dating Presidential Communications Secretary Cesar Chavez na magbabalik siya sa Maynila bilang chief of staff ni incoming Manila Mayor Francisco ‘ Isko Moreno’ Domagoso.

Matatandaang nabanggit na rin ni Chavez na kinausap siya ni Domagoso bago magsimula ang local campaign para sa May 12 elections.

“Sabi niya dito na tayo, dito na tayo tatanda,” kwento ni Chavez nang muli siyang makadaupang palad.

Nang matapos ang halalan, sinabihan aniya siya ni Yorme bilang kanyang chief of staff sabay labas ng listahan ng mga gusto agad niyang gawin sa Maynila.

“Foresight and executive ability at decisiveness ni Yorme. Diyan ako inspired” — sagot ni Chavez nang tanungin sa isang panayam sa Abs-Cbn kung bakit tinanggap niya ang alok na bumalik sa local government service.

Ayon kay Chavez, gusto ni Domagoso ng minimum na 10-year development plan para sa Maynila.

“‘Yan ang malaking pagkakaiba ngayon: Mas naka-focus si Yorme sa 10-year development plan for Manila,” sabi ng dating communications secretary.

Ang 10-year development plan na ito ay tatalakayin umano sa inaugural address ng incoming Mayor.

Matatandaan na unang naging chief of staff ni Domagoso si Chavez noong 2019 ngunit nag-resign nang tumakbo sa pagka-presidente noong 2022 ang alkalde.

(JOCELYN DOMENDEN)

7

Related posts

Leave a Comment