EX-PGMA HUMIHINGI NG DASAL PARA SA PAMILYA

DUMADAAN sa pagsubok ang pamilya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang mismong isiniwalat ng dating pangulo sa kanyang Facebook post kaya mawawala ito sa bansa simula bukas, Abril 3 hanggang 21, 2025 base sa inaprubahan ng liderato ng Kamara na travel authority ipinagkaloob dito.

“This is to authorize your Honor to travel in Singapore on April 3-21, 2025 for a meet and greet activities with the overseas Filipino workers,” saad sa inaprubahang travel authority na nilagdaan ni House secretary general Reginald Velasco sa pamamagitan ni House Speaker Martin Romualdez.

Kasama ni Arroyo sa biyahe sa Singapore ang kanyang asawang si dating First Gentleman Mike Arroyo at personal assistant nitong si Mynel Viado.

Subalit bago ito, isiniwalat din ng dating pangulo ang pinagdadaanang pagsubok ng kanyang pamilya, partikular na ang kanyang asawa at anak na si dating Pampanga representative Mikey Arroyo.

“This have been a difficult time for the family. First, my husband Mike’s dissecting aortic aneurysm that required an emergency repair in 2007 and is expanding again, and he will have to undergo a big surgery, combining bypass and an aortoplasty on April 7 to avert another emergency,” ayon sa post ni Arroyo.

“Then, our son Mikey’s biopsy revealed Stage One cancer of the thyroid gland, and he underwent surgery last March 18, thankfully, a successful one,” dagdag pa ng dating pangulo at dating House Speaker fin.

Naapektuhan din umano ang mga ito sa pagkamatay ng negosyanteng si Paowee Tantoco, asawa ng kanyang pamangkin na si Dina at lumaki sa kanilang bahay sa unang apat na taon.

“I have been spending much time with my constituents in Pampanga because I will be leaving soon for Singapore for Mike’s surgery. Please pray for my family,” hiniling ni Arroyo, na mas kilala bilang GMA.

(PRIMITIVO MAKILING)

28

Related posts

Leave a Comment