EX-PGMA, IBA PANG OPISYAL SA PAMPANGA PINASALAMATAN NI REP. TAN-TAMBUT

NAGPAHATID ng pasasalamat si Congresswoman Shermee Tan-Tambut ng Kusug Tausug party-list kay dating Pangulo at Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa pagsasama sa kanya sa paglilibot sa Pampanga at pagpapakilala sa matataas na opisyal ng lalawigan.

 Inilahad ng kongresista sa kanyang Facebook page ang pasasalamat sa dating Pangulo na nilisan ang Metro Manila madaling araw pa lamang at buong tapang na sinamahan siya at kanyang team kahit sa gitna ng mainit na panahon sa iba’t ibang lungsod at bayan ng lalawigan sa apat na araw na kampanya sa naturang lalawigan na isa sa napakaraming botante. Hindi aniya niya alam kung papaano susuklian ang ipinamalas na maayos na pagtingin ng dating pangulo sa pamilya Tan at sa komunidad ng Kusug Tausug. Si Cong. Tan-Tambut ang bunso sa mga anak na babae ni Sulu Governor Abdusakur Tan at kapatid ni Cong. Samier Tan ng Unang Distrito ng Sulu.

 Sa kanyang binitiwang pangungusap sa iba’t ibang lugar na pinuntahan sa Pampanga, pinasalamatan din ng kongresista sina Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda, Vice Governor Lilia “Nanay Baby” Pineda, Mayors Cris Garbo ng Mabalacat City, Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr. ng Angeles City, at Emmanuel “Bon” Alejandrino ng bayan ng Arayat sa mainit na pagtanggap nila sa Kusug Tausug. Sa kanyang pagsasalita at sa ginawang panayam ng mga mamamahayag, naunawaan na aniya niya ngayon kung bakit napakabilis ng pagbangon ng lalawigan mula sa delubyong idinulot ng pagputok ng Mt. Pinatubo na bunsod ng kahusayan at kagalingan ng mga opisyal na patuloy na nagbigay ng inspirasyon sa mga Kapampangan na ibuhos ang kanilang kakayanan.

 Sinaksihan din ni Cong. Tan-Tambut ang paglagda sa Peace Covenant na itinaguyod ng COMELEC, pagbisita sa Muslim Center sa Brgy. San Pedro, San Fernando City, komonsulta sa mga naninirahang Muslim sa bayan ng Guaga at nakipagpulong sa mga lider Muslim sa Arayat noong Marso 4. Dumalo rin siya sa pagpupulong ng mga purok leaders sa Lubao, Pampanga ng umaga ng Marso 5 bago nagtungo sa Quezon City para naman sa interfaith dialogue sa Muslim Ulamas at Christian religious leaders.

 Kasamang muli ang dating Pangulo, nagtungo ang kongresista at kanyang team sa Pampanga noong Marso 10 at nagsalita sa napakaraming dumalo sa panunumpa ng mga bagong opisyal ng Federation of Muslim Communities in Pampanga, Inc. sa Mabalacat City, bago tumuloy sa Angeles City kung saan sinalubong sila ni Mayor Pogi Lazatin.

 Matapos ang pag-iikot para mangampanya, bumalik si Cong. Tan-Tambut sa Arayat noong Marso 13 para sa pagpapasinaya sa sports complex ng naturang bayan at saksihan ang Zumba Showdown, batay na rin sa imbitasyon ni Mayor Bon Alejandrino at Vice Mayor Madeth Alejandrino.

 Sa tatlo sa apat na araw niyang pagbisita sa Pampanga, sinamahan si Cong. Tan-Tambut ng kanyang asawang si Capt. Marjani “John” Tambut, na kabilang din sa pamilya ng mga politiko. Ang ama ni Capt. Tambut na si Benzar ang tumatakbo ngayong alkalde ng bayan ng Simunol sa Tawi-tawi

157

Related posts

Leave a Comment