KINASUHAN ng graft ang dating mayor ng Lazi town, Siquijor dahil sa umano’y iligal na pagbili ng fertilizer na nagkakahalaga ng P4.9 milyon noong 2004.
Si dating mayor Orville Fua, Lazi town, Siquijor at anim iba pang opisyal at dalawang pribadong indibidwal ay kinasuhan dahil sa umano’y iligal na aktibidad.
Maliban kay Fua, kinasuhan din ng Office of the Ombudsman sina municipal accountant Ana Marie Leilani Monte; municipal treasurer/bids and awards committee (BAC) member Rose Marie Tomogsoc; BAC chair Ivan Marchan; dating municipal engineer Natalio Jumawan Jr.; dating private secretary Sue Agnes Castillon; at dating municipal coordinator Teodoro Jumadla.
Ang dalawang pribadong respondents ay kinilalang sina Yolanda Milne at Merlyn Lu ng Mangopina Trading Co. Inc., na nakabase sa San Pablo City, Laguna.
Sinabi ng Ombudsman na ang mga opisyal ay bumili ng 2,096 bote ng MRG liquid fertilizer na nagkakahalaga ng P1,550 kada bote at 1,258 bags of DEL GRO super foliar fertilizer na nagkakahalaga ng P1,550 kada bag.
