EXPRESSLANE SA 3.8M BAKUNA

HINDI bababa sa 3.8-mil­yong bakuna ang dumating sa pambansang paliparan ang agad na nai-proseso at ini-release ng Bureau of Customs upang tiyakin ang mabilis na pagsasakatuparan ng target ng gobyernong herd immunity bago matapos ang taon.
Pangako ng BOC-NAIA, hindi mababalam ang pagpasok ng mga bakuna sa bansa, kasabay ng pahayag na nito lamang nakaraang Agusto 18, 19 at 20, mabilis nilang nai-proseso ang mga hindi bababa sa 3.8-milyong doses ng bakuna – kabilang ang 313,560 doses ng Pfizer-BioNTech, 3M doses Sinovac at 582,500 doses ng AstraZeneca para sa Department of Health (DOH).
Sa kanilang pagtatala, na-isyuhan na nila ng pre-clearance sa ilalim n BOC-NAIA COVID-19 Oner-Stop-Shop ang shipment ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine, isang araw na mas maaga sa itinakdang petsa ng pagdating nito.
Agad na dinala sa PharmaServ Cold Storage facility at Southern Philippine Medical Center sa Davao ang mga dumating na Pfizer jabs noong Agosto 18 mula Belgium via Flight No. LD457 sa NAIA Terminal 3 dakong alas-9:20 ng gabi.
Gayundin ang bilis ng proseso sa 3-milyong doses ng Sinovac vaccines na lumapag sa nasabing paliparan dakong alas-5:30 ng gabi ng sumunod na araw at dagling dinala sa itinakdang cold   storage facility.
Nasundan pa ito ng 582,500 doses ng Astra­Zeneca COVID-19 jabs na dumating sa NAIA Terminal 1 dakong alas-9:20 ng umaga kahapon lulan ng Flight No. CI359.
Sa record ng nasabing paliparan, umabot na sa pitong vaccine brands na may mahigit sa 46 milyong kabuuang doses ang naproseso at nai-release ng naturang kawanihan.
Sa tala ng BOC, kabilang sa kanilang nai-proseso ang release ng 25.5M Sinovac, 7.85M AstraZeneca, 4.59M Pfizer, 4.29M Moderna, 3.24M Johnson & Johnson, 365K Sputnik V, at 100K Hayat-Vax jabs.
Sa isang pahayag, nangako naman si BOC-NAIA District Collector Carmelita M. Talusan na patuloy nilang tututukan ang mabilis na proseso para sa mga paparating pang bakuna sa bansa sa pakikipagtulu­ngan sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Di­seases at DOH.
Samantala, may kabuuan nang 1,357 frontliners ang naturukan ng BOC-NAIA sa ginanap na vaccination rollout ng nasabing kawanihan nito lamang nakaraang Hunyo 19, Hulyo 17, at Agos­to 14, 2021.
(JOEL AMONGO)
126

Related posts

Leave a Comment