F2F graduation kasado na TOP 10 PNPA GRADS KINILALA

SA napipintong pagtatapos ng hindi bababa sa 226 kadete, isang hamon ang inilatag ni Philippine National Police (PNP) chief General Dionardo Carlos, kasabay ng paghahayag ng 10 natatanging miyembro ng PNP Academy Alab-Kalis Class of 2022.

Giit ni Carlos na panauhing pandangal sa pagpapakilala ng Top 10 PNPA graduates sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite – isabuhay ang natutunan sa loob ng akademya sa hudyat ng pagsapi alinman sa tatlong sangay: PNP, Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ani Carlos, hindi dapat iwaglit sa isipan ng mga magsisipagtapos na ang piniling landas ay hindi isang karera kundi isang bokasyon ng taos-pusong pagsisilbi sa mga sibilyan – bagay na tiniyak naman ng tubong Taguig City na si P/ Cadette Regina Joy Caguioa. Si Caguioa ang pumangalawa sa PNPA Class of 2022.

Taong 2020 nang suspendihin ng Inter-Agency task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang face-to-face graduation sa PNPA sa gitna ng peligrong dala ng pandemya.
Kabilang naman sa Top 10 ng PNPA Alab-Kalis Class of 2022 sina:
1. P/Cdt. Ernie Padernilla (Passi City, Iloilo)
2. P/Cdt. Regina Joy Caguioa  (Taguig City)
3. P/Cdt. Precious Lee (San Juan City, MM)
4. P/Cdt. Fidel Triste III (Palo, Leyte)
5. P/Cdt. Geneva Flores (San Carlos City, Pangasinan)
6. P/Cdt. Zoe Seloterio (Sta. Barbara, Iloilo)
7. F/Cdt. Neil Navalta (Diffun, Quirino)
8. P/Cdt. Mhar Viloria (Pugo, La Union)
9. J/Cdt. Colynn Panganiban (Antipolo City)
10. P/Cdt. Alyssa Bantasan (Bauko, Mt. Province)Sa isang pahayag, sinabi naman ni PNPA Director Major Alexander Sampaga na isang malaking hamon sa kanilang pagtuturo at pagsasanay ng mga kadete ang nakalipas ng dalawang taon. Aniya, hindi naging madali sa kanila ang sitwasyong bunsod ng restriksyon, sumpunging internet signal at maging sa paghahatid ng mga learning modules. (JESSE KABEL)

335

Related posts

Leave a Comment