DEPENDE raw sa Pandemic Task Force o sa Office of the President kung papayagan ang face-to-face classes sa basic education ngayong pagpasok ng Enero 2022.
Ito ang lumabas sa ginanap na miting noong nakaraang Biyernes, Disyembre 31, sa Palasyo ng Malakanyang.
May mga naitala na kasing local transmission sa Omicron variant sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling ulat ng OCTA Research.
Unang kaso ay ang 42-anyos na lalaki mula sa National Capital Region (NCR) na na-test na positibo noong nakaraang Disyembre 3.
Ang pangalawa na lokal na kaso ay isang 27-anyos na babae mula sa Bicol Region na na-test noong Disyembre 14.
At ang pangatlo ay isang 46-anyos na babae mula rin sa Bicol na nagpositibo noong Disyembre 15, subalit lahat sila ay naka-recover na.
Base pa sa Philippine Genome Center, may natuklasang 14 na kaso ng Omicron variant simula ng unang kaso ng isang biyahero mula Nigeria na dumating sa bansa noong Nobyembre 30.
Lumalabas na ang labing-isang kaso ay nagmula sa ibang bansa, samantala ang tatlong kaso ay local transmissions o nahawaan na rito sa bansa.
Kaya sa kabuuan ay labing-apat na ang kaso ng Omicron variant sa Pinas, Tsk! Tsk! Tsk!
Paano na ang kabuhayan ng mga Pinoy? Makaahon pa kaya ang ekonomiya ng Pilipinas?
Simula kahapon, Enero 3, ay idineklara ang Alert Level 3 sa Metro Manila hanggang Enero 15, 2022.
Ayon sa pandemic task force ng gobyerno, ang mga aktibidad na may mataas na hawaan ng virus, na hindi papayagang mag-operate sa ilalim ng Alert Level 3 ay ang mga sumusunod:
Face-to-face classes for basic education unless approved by the pandemic task force or the Office of the President.
Contact sports, except those conducted in a bubble-type setup.
Funfairs/peryas and kid amusement industries like playgrounds, playroom and kiddie rides.
Venues with live voice or wind-instrument performers and audiences such as in karaoke bars, bars, clubs, concert halls and theatres.
Casinos, horse racing, cockfighting and operation of cockpits, lottery and betting shops, and other gaming establishments unless allowed by the pandemic task force or the Office of the President.
Gatherings in residences with individuals not belonging to the same household.
Ang mga ahensiya ng gobyerno ay “fully operational” sa ilalim ng Alert Level 3, na may 30% ng kanilang mga manggagawa ay magre-report sa kanilang site.
Ang suhestiyon ng PUNA sa gobyerno ay palakasin ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng labing-apat na ‘yan na may Omicron.
Paspasan din ang pagbabakuna sa hindi pa natuturukan at isabay na rin ang booster dun naman sa mga nakadalawang turok na. Happy New Year po sa lahat! God Bless Us All!
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o operarioj45@gmail.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.
180 