HINDI epektibong gamitin laban sa COVID-19 ang mga face mask na may exhaust valves.
Ang paglilinaw ay ginawa ng Food and Drug Administration (FDA) para sa mga taong gumagamit ng naturang uri ng face mask.
Sa isang panayam, sinabi ni FDA director general Eric Domingo na ang nasabing face mask ay hindi dinisenyo para sa medical use, kundi para sa industrial setting.
Paliwanag ng opisyal, kabilang ang mga karpintero sa gumagamit ng naturang face mask para maiwasang malanghap ang alikabok at iba pang maliliit na particles sa construction site.
Mas mabuti pa aniyang gumamit ng cloth mask o yung mga face mask na gawa sa tela.
Nabatid na pinipili ng iba ang face mask na may valve para sa mas maginhawang paghinga.
Pero hindi umano nito kayang harangin ang COVID-19.
Para naman sa health frontliners, dapat aniyang medical o surgical grade masks lang ang gamitin. (DAVE MEDINA)
193
