FACE-TO-FACE CLASSES MULING TATALAKAYIN

PAG-UUSAPAN sa susunod na cabinet meeting ang posibilidad na tuluyan nang maipatupad ang face-to-face classess.

Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng ginagawa aniyang pagbuhay ng Department of Education sa pilot program ng face-to-face classess.

Aniya, maaaring repasuhin ng gabinete ang naturang posibilidad lalo’t kontrolado na ang bagong variant ng COVID-19.

Bukod dito ay marami na ring bahagi ng daigdig ang nagsasagawa ng face-to-face partikular sa mga area na mababa ang kaso ng covid.

Nilinaw naman ni Sec. Roque na ang pilot program lang ang tinatarget ng DepEd at hindi pa ito iaaplay kung saka-sakali sa buong bansa kundi sa mga lugar lamang na walang kaso ng virus. (CHRISTIAN DALE)

129

Related posts

Leave a Comment