‘FAILURE OF ELECTION’ INILUTANG SA MAYNILA

NAKIISA ang libong Manilenyo sa ‘pasasalamat motorcade’ ng Team Pagbabago nitong Sabado (May 14).

Sinamantala ng mga tagasuporta ang pagkakataon upang iparating ang kanilang pagkadismaya sa resulta ng nakalipas na halalan dahil para sa kanila ay si Atty. Alex Lopez ang tunay na nanalong alkalde ng Maynila.

Nabatid na dumarami ang nananawagan na ipaglaban ang panalo ni Atty. Alex. Naniniwala sila na dinaya sila dahil marami umanong nilabag na batas ang kabilang kampo noong nakaraang halalan.

Ayon sa isang eksperto, “statistically improbable” ang resulta ng halalan sa Maynila. Marami rin barangay ang nagtataka kung paano nangyari ang bilangan, kung saan umasa sila na mananalo si Atty. Alex dahil halos silang lahat bumoto pero lima (5) lang umano ang lumabas sa election returns. Bukod pa sa sinasabing bilihan ng boto.

Matatandaan na kaliwa’t kanan ang mga isyung kinaharap nina Vice Mayor Honey Lacuna at Mayor Isko Moreno bago maghalalan, kabilang ang ilegal na pagbebenta ng Divisoria public market, overpricing sa food packs, pagkaantala ng seniors amelioration at iba pa.

Ilang saksi rin ang nagpahayag na hindi nila kayang manahimik na lang at hayaang manaig ang kasakiman sa lungsod ng Maynila.

Bunsod nito, may mga nananawagan na muling magsagawa ng halalan sa Maynila upang ipakita kung sino talaga ang nanalong alkalde ng lungsod.

Naniniwala ang mga ito na may ‘failure of election’ sa Maynila dahil sa malawakang dayaan.

Nitong Martes, nanawagan ang lahat ng partido kay Atty. Alex para maghain ng reklamo sa Comelec kaugnay ng sinasabing dayaan.

Habang sinusulat ito, hinihintay ng mga Manilenyo ang susunod na hakbang ni Atty. Alex at umaasa silang agaran din gagawa ng kaukulang aksyon ang Comelec sa isyung ito.

349

Related posts

Leave a Comment