“DESPERATE attempts at deception.”
Ito ang inihayag kahapon ni Manila City Administrator Bernie Ang kaugnay sa desperado aniya at mapanlinlang na pamamaraan ng kampo ng katunggali ni Mayor Honey Lacuna matapos na maglabas na naman ng fake surveys na tahasang ininsulto ang talino ng mga Manilenyo.
Partikular na tinuran ni Ang ang inilabas na fake survey sa social media na sinasabing nagsagawa ng survey ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Manila City Hall employees na nagpapakita na nangunguna ng malaking agwat ang isang mayoral candidate.
“The disparity or difference shown on the fake surveys is so ridiculous that no one in his right mind will believe them. This is a clear sign of desperation on the part of our political foes and we take this to mean that they have accepted defeat this early,” paliwanag ni Ang.
Ibinigay na halimbawa ng city administrator na mismong PLM, ay itinanggi na mayroong ganun survey. Habang ang mga City Hall employee ay nagtatanong sa kanilang hanay kung saan nanggaling ang survey.
Alam naman umano ng may matitinong isip na hindi sasawsaw sa pulitika ang mga city employees dahil ipinagbabawal ito.
“The ones posting such surveys that never took place are also putting the employes in a bad light,” ani Ang.
“Legitimate surveys are based on mathematics which is an exact science. It cannot be invented. Only the one releasing it can fabricate to his favor,” sabi pa ni Ang.
Siguro kailangan ng Lie Detector test sa harap ng mga tao ang mga responsible sa pagpapakalat ng mga fake news at fake survey pahayag naman nina Manila Reps. Joel Chua at Roland Valeriano na tinukoy ang “PLM “Yorme’s Choice fake survey”.
Sa ginanap na pulong balitaan ng Manila City Hall Reporters Association (Machra) kahapon, nilinaw nina Congressman Chua at Valeriano na peke umano ang lumabas na “Yorme’s Choice Survey’ matapos linawin ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na walang accredited student organization ang gumawa ng survey.
“Ang tunay na survey ay makikita sa Mayo 12,” ani Chua kasunod ng pahayag na desperado ang kandidato na nagpalutang ng pekeng survey.
“When an animal is frightened and in danger, it will do whatever it takes to escape. This is exactly what’s happening with Domagoso’s team behind this so-called “Yorme’s Choice” survey. Since they keep slipping in legitimate surveys, they resort to fabricating ones that favor them. That’s the behavior of a cornered and wounded animal—acting on instinct to escape a desperate situation,” pahayag naman ni Atty. Priscilla Marie Abante, spokesperson ni Manila Mayor Honey Lacuna.
Kaugnay nito, iginiit ni Valeriano, tinukoy na gawa-gawa lamang ang survey dahil hindi ito nakasunod sa scientific standards na kailangan sa pagsasagawa ng lehitimong survey. (JESSE KABEL RUIZ)
25