Ni ANN ENCARNACION
BUMIDA sa Gilas Pilipinas 3X3 si Almond Vosotros upang ligwakin ang Indonesia at umabante sa main draw ng FIBA 3×3 Asia Cup sa Singapore.
Nagpakawala si Vosotros ng 5 long-range jumpers at pinangunahan ang Gilas sa 21-15 victory kontra Indonesia noong Huwebes.
Tumapos siya na may 11 points at inakay ang Gilas sa tuktok ng Group C sa 2-0 record. Una rito ay tinalo ng Pilipinas ang Jordan, 21-19.
Nag-ambag si Purefoods’ Joseph Eriobu ng 8 points, habang sina Samboy de Leon at Lervin Flores ay may tig -1 puntos lang para sa Gilas, na kasama ang host team Singapore at Group G ruler China sa main draw.
Ngayon (Sabado) 3:25pm ay makalalaban ng Pilipinas ang Singapore, at 9:25pm ang China.
Samantala, tuluyang pinatalsik ng Thailand ang Gilas women’s sa iskor na 13-11.
Halos abot-kamay ng Filipinas ang panalo sa pagkapit sa 11-10 abante sa natitirang 30 segundo, ngunit sa isang iglap ay nakawala nang maipasok ng kalaban ang dalawang free throws.
