FILIPINO NURSES HINIKAYAT NA SUMAPI SA PCG

UPANG maging bahagi sa paglilingkod, hinihikayat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Filipino nurses na sumapi sa kanila.

Base sa ulat ng PCG, bukas ang coast guard nursing service sa Pinoy nurses na pasado sa Philippine Nurse Licensure Examination na edad 21 hanggang 28.

Kabilang din sa mahalagang kwalipikasyon ay ang mga sumusunod:

good moral character; single; at least 5’0” in height; physically and mentally fit.

Sa mga nais maging bahagi ng Coast Guard Nursing Service, kailangan lamang ihanda ang mga sumusunod na dokumento: Application form; PSA Birth Certificate; NBI Clearance; College Diploma; Transcript of Records; 4R Colored full body picture (white polo shirt, maong pants, with all ten fingers visible)

Kailangan ding ilagay sa isang long white folder na may taggings at personal na dalhin sa opisina ng Coast Guard Nursing Service na matatagpuan sa Coast Guard Base Taguig, #56 M.L. Quezon Street, New Lower Bicutan, Taguig City.

Maaaring magpadala ng aplikasyon hanggang Lunes, ika-19 ng Hunyo 2023.

(RENE CRISOSTOMO)

343

Related posts

Leave a Comment