FIRST AID SA HINIMATAY

HINIMATAY

Sudden loss of consciousness o fainting ay tinatawag nating pagkahimatay sa Filipino o sa ating lengguwahe. Sa medical term naman, ito ay syncope.

Ang sobrang init ng panahon o kakapusan ng hangin sa isang lugar (mataong lugar) ay maaaring maging daan upang ang isang tao ay mahimatay. At kahit sino ay pwedeng maranasan ito at kahit ano pa ang ating edad.

Mas mahalaga rin ito sa mga bata lalo na kung sila ay nasa paaralan na sadyang matao.

Maaaring himatayin ang isang tao kung hindi regular o normal ang galaw o tibok ng puso.

Kung kulang din ng sugar sa dugo, walang sapat na iron sa dugo o mayroong iregularidad sa presyon ng dugo ay maaaring maging dahilan para ang isang tao ay mahimatay.

Ang ilan pang dahilan para mahimatay ang tao ay kapag siya ay nakakaramdam ng matinding gutom. Posible ka ring mahimatay kung ikaw ay sobrang stressed, balisa o sa sobrang takot na nararamdaman.

Nahihimatay ang isang tao kapag ang suplay ng dugo sa kanyang utak ay nabawasan sa isang sandali kaya’t nawawalan ito ng malay.

– Kailanganh magkaroon ng hangin ang hinimatay. Dalhin ito sa well-ventilated area o paypayan din ito at maaari ring luwagan ang suot. Iupo ito na makakayuko o ang ulo nito ay nasa pagitan ng mga binti o tuhod.

– Maaari rin itong ihiga kung saan ang mga paa nito ay mas mataas ng 15 inches sa lebel ng ulo, paraan ito upang ang dugo ay dumaloy sa utak.

– Sipatin kung may galos o sugat na natamo ang biktima mula sa kanyang pagkakahimatay. Maaaring magtamo ito ng pagkabagok ng ulo o tumama sa isang matigas na bagay na dahilan para siya ay mahirapan pa.

– Sa mga nagawang hakbang ay dapat magkaroon na ng malay ang biktima sa loob ng isang minuto at kung hindi ay dalhin na agad ito sa doktor para masuri dahil baka may mas malubha itong karamdaman – maaaring inatake na ito sa puso o iba pang medical condition.

4386

Related posts

Leave a Comment