(BERNARD TAGUINOD)
HINDI pa tuluyang namamatay ang isyu sa umano’y kudeta sa Kamara dahil ngayon ay nakaladkad na ang pangalan ng misis ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si First Lady Liza Araneta.
Sa statement ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Facebook, itinanggi nito ang kumakalat na impormasyon na naisahan siya ng isang babaeng mambabatas na nagsabing may basbas ng Unang Ginang ang kanyang ilulunsad na kudeta laban kay House Speaker Martin Romualdez.
“A report is going around that I was “duped” by a congresswoman into thinking that the alleged House coup had the blessings of the First Lady. I am truly sorry that she should even be dragged into this political fantasy of a House coup – it is disrespectful to her and to her intelligence,” ani Arroyo.
Si Arroyo ay sinibak sa kanyang posisyon bilang Senior Deputy Speaker matapos umanong makarating sa kaalaman ni Romualdez na may plano itong bumalik bilang Speaker ng Kamara.
Itinanggi na ito ni Arroyo subalit hanggang ngayon ay hindi mamatay-matay ang isyu.
“Whoever is spreading these pathetic rumors are the ones duping the Filipino people, and they should now move on to the serious business of making positive contributions to national progress,” bwelta ni Arroyo.
Bilang instrumento sa pagkabuo ng UniTeam ay wala umano siyang planong gumawa ng aksyon na sisira sa samahan ng pangulo at pangalawang pangulo.
Dagdag pa ni Arroyo, “First, every politician worth his or her salt would know that in the Philippines, no House coup can ever succeed without the consent of the President. That is simply a fact of life in Philippine politics.”
Magugunita na noong 2018 ay kinudeta ni Arroyo si dating House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez.
