KINUMPIRMA ng Malakanyang na napirmahan na ni Panguong Rodrigo Roa Duterte bilang isang batas ang RA 11523 o mas kilala bilang Financial Institution Strategic Transfer o FIST ACT.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na napapanahon na ang pagpasa ng FIST Law lalo na sa ngayon aniya na nasa pandemiya.
Sinabi nito na nagpapasalamat ang Malakanyang sa Kongreso sa pagsasabatas ng RA 11523 na sinertipikahan aniyang “urgent” ng pangulo.
“Pinapalakas nito ang ating financial sector na kinakailangan sa muling pagbangon ng ating ekonomiya. Kinikilala ng estado ang mahalagang papel po ng mga bangko at financial institutions as mobilizers of savings and investments and in providing the needed financial system liquidity to keep the economy afloat,” ayon kay Sec. Roque.
Dahil dito ay kinakailangan aniya na mapanatili ng mga bangko at iba pang financial institutions ang kanilang financial health. (CHRISTIAN DALE)
