TIWALA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatiling sapat ang suplay ng langis ng bansa kahit matapos ang kasalukuyang 45-day fuel supply.
Ayon sa Pangulo, “we will be alright” sa loob ng 45 araw habang patuloy ang paghahanap ng gobyerno ng karagdagang mapagkukunan ng langis.
“And although we cannot be assured right now of the supply, we can be sure that at least for 45 days we will be alright,” ani Marcos.
Dagdag pa niya, inaasahang magkakaroon ng tuloy-tuloy na dating ng suplay ng petrolyo bago pa maubos ang kasalukuyang reserba.
“We will have already a flow of oil, not just one delivery, not just two deliveries, but a flow of petroleum and petroleum-related products,” paliwanag ng Pangulo.
Sinabi rin niya na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa, lalo na sa mga hindi apektado ng tensyon sa Gitnang Silangan, upang matiyak ang suplay.
Gayunman, aminado ang Pangulo na hindi kontrolado ng gobyerno ang galaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
“Oil will do what it will do… no one has control over the world price of oil,” aniya.
Sa kabila nito, tiniyak ni Marcos na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang masuportahan ang mga Pilipino sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.
(CHRISTIAN DALE)
58 