Following the Lord

HOPE ni GUILLER VALENCIA

Sa Psalms 23:4 ito ang awit ni Haring David ng Israel, “Yeah, though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil; For You are with me; Your rod and your staff, they comfort me.”

Sa paglalakbay sa buhay natin, mayroon magaganda at may masalimuot na karanasan tayo nakahaharap. Life wasn’t always sunshine and roses, ika nga. Hindi lahat ay sumasang-ayon sa kagustuhan natin at mabuti ang kalalabasan.

Maganda sana kung laging kaayon at ayos ang takbo ng ating buhay. Obviously, hindi ganon ang takbo ng buhay sa daigdig na ito.

Ang tanong, paano natin i-handle ang mga hamon sa buhay? Kaya ba natin ng mag-isa? Aasa ba tayo sa pamilya o sa mga kaibigan?

Ang problema, kung sa sarili lang natin tayo aasa ay limitado ang ating kakayahan. Ang mga kaibigan at pamilya ay maaaring makatulong subalit hindi sila laging handa para tumulong o dili kaya ay wala sila sa posisyon o poder para makatulong. Maaari ring wala silang alternatibong solusyon para makatulong.

Sa panahon ng bagyo at kadiliman ng buhay, hindi tayo makakaasa sa mga tao sapagkat sila rin ay ‘di reliable.

Sa paglalakbay sa buhay, si Haring David ay ‘di umasa sa kanyang sarili o maging sa kanyang pamilya at kaibigan para sa direksyon at tulong sa takbo ng pamumuhay at pamumuno. Para kay David, ang Panginoon ang kanyang pastol (shepherd, Psalms 23,1). Tanging sa Panginoon siya lumalapit sa paghingi ng tulong sa buhay na kanyang nilalakbay; maging sa bingit ng kamatayan.

Kaya, boldly sabi niya, “Yeah, though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil; For You are with me; Your rod and your staff they comfort me.”

Si Haring David na isang magiting na hari at salmista (psalmist) ay nagpasya na, “Following the Lord is better than following anything or anybody else.”

Kung papaano komportable ang mga tupa sa mga pastol sa kanilang pag-aalaga at pagbabantay sa kanila laban sa mababangis na hayop at magnanakaw, gayundin si Haring David na komportable sa presensya ng Panginoon sa kanyang buhay. Alam niya na hindi siya pababayaan at babantayan siya sa tuwina laban sa kanyang mga kaaway at alalahanin sa buhay.

Kailanman ang Panginoon, “will not leave him nor forsake him.” The Lord is the Good Shepherd who lays down His life for the sheep.” (John 10:11)

Kabayan, kanino tayo nagtitiwala at susunod? Sana sa ating Panginoon na ating mabuting Pastol!

(givalencia777@gmail.com, for comments and prayer)

1

Related posts

Leave a Comment