Ang allergies ay nagsisimula kapag ang ating immune system ay nagkamali ng pag-identify sa isang substance tulad ng pollen, mold, animal dander, o pagkain na mas delikado.
Ang allergies ay nag-i-stimulate sa immune system para maglabas ng certain chemicals, gaya ng histamine, na nagiging daan para sa pagkakaroon ng allergy symptoms.
Ang lahat ng warm-blooded na mga hayop ay may kaunting paglagas ng flakes mula sa kanilang balat at ito ay tinatawag na dander. Para itong balakubak kung sa tao, pero ang sa mga hayop ay hindi basta nakikita.
Sa mga pagkain, may ibang tao na may allergies dito pero depende rin sa uri ng mga pagkain.
Nangyayari ang allergies sa piling pagkain kapag may sangkap dito na hindi hiyang sa anti-bodies na inilalabas ng katawan. Ito rin ay dahil ang katawan ay naglalabas ng chemical na nagdudulot ng allergic reaction.
Nalalaman natin na tayo ay may allergy sa piling pagkain matapos natin itong makonsumo – tulad ng manok, isda at iba pang seafood, at iba pa – kapag lumabas na ang reaction nito sa ating katawan, gaano man ang paraan ng pagkakaluto ng pagkain.
Para sa iba ang allergy sa pagkain ay nagdudulot ng pakiramdam na hindi sila komportable pero ito naman ay hindi malala o seryoso. Samantala para sa ibang may allergy, ito ay nakakatakot o life-threatening.
Ang karaniwang allergy sa pagkain ay dahil sa mga sumusunod:
– isda
– bagoong, hipon, alupihang dagat o lobster
– pusit
– alimasag, alimango, halaan at iba pang shellfish
– mani
– tree nuts
– asin
– wheat
– itlog
– manok
– soya
– gatas
Malalaman din na tayo ay may allergy kapag ang isang tao ay isinailalim sa pagsusuring medikal. Tulad nito ay skin test, serum test o blood test.
Mayroon ding tinatawag na common seasonal allergy. Katulad ng ibang allergies, ang seasonal allergies ay nade-develop din kapag ang ating immune system, ay nag-overreact mula sa kapaligiran sa anumang panahon, saan mang lugar o bansa. Ito ay kapag ang espesipikong halaman, puno, o damo ay nag-pollinate.
Ang pollen (wawo o bulo ng bulaklak) ay powder na gawa sa pollen grains, na nagpo-produce ng sperm cells (male cells na ginagamit sa reproduction) ng buto ng halaman.
Ang epekto ng allergies sa tao ay maaaring
ang alinman sa mga
sumusunod:
– pagbahing
– pamamantal
– pangangati
– pagkahilo o hanggang sa mahimatay
– pagduduwal o pagsusuka
– pamumula ng katawan o balat
– pamumula ng mga mata
– kahirapan sa paghinga (bara sa ilong o mismong sa baga)
– pamamaga ng labi, mata, mukha, dila, o lalamunan
– pagdurumi o diarrhea
– pananakit ng sikmura
Ang allergy ay maaaring lumala at maging anaphylaxis, kung saan maaaring mahirapang huminga ang isang may allergy. Nakaaalarma ito dahil life-threatening ang maaaring maging mangyari katulad ng:
– paninikip ng airways o daanan ng hangin sa katawan
– pamamaga ng lalamunan o parang may bukol dito kung kaya’t ang pasyente ay hirap sa paghinga
– malalang pagbaba ng blood pressure
– hindi normal na bilis ng galaw ng pulso
– pagkahilo o kawalan ng malay
Delikado ang anaphylaxis dahil ang pasyente ay maaaring ma-coma o mamatay kapag hindi naagapan.
Ang mga nabanggit na sintomas ng anaphylaxis ay emergency situation at dapat nang ilapit sa doktor o ospital.
POLLEN-FOOD ALLERGY SYNDROME
Tinatawag din itong oral allergy syndrome. Ang pollen-food allergy syndrome ay malaking pahirap din sa ibang tao na may hay fever.
Sa kondisyong ito, ang certain fresh na mga prutas at gulay o nuts at spices ay maaaring mag-trigger sa allergic reaction kaya naroon na may pakiramdam na napapaso o nangangati ang bibig.
Sa ibang seryosong kaso, ang reaction ng katawan ay may pamamaga sa lalamunan o ang pagkakaroon mismo ng anaphylaxis.
Ang proteins sa certain na mga prutas, gulay, mani, at spices ay maaaring maging sanhi rin ng reaction. Ito ay dahil parehas ito sa allergy-causing proteins na matatagpuan sa certain pollens. Ito ang isang halimbawa ng cross-reactivity.
Kapag nagluluto ka ng mga pagkain na magti-trigger sa pollen-food allergy syndrome, ang sintomas mo ay maaaring maging less severe o hindi gaanong seryoso.
RISK FACTORS NG ALLERGIES
– Kung mayroon din nito ang iyong pamilya, nasa lahi o may family history.
– Kung allergic ka na sa isang pagkain, may posibilidad na magkaroon ka pa ng allergy sa iba pang putahe.
– Nasa edad din ito. Ang food allergies ay common sa mga bata lalo na sa mga toddler o mga sanggol. Habang tumatanda tayo, ang ating digestive system din ay tumatanda at ang katawan natin ay maaaring hindi na maka-absorb ng pagkain o food components na magti-trigger ng allergies.
– Ang asthma ay food allergy at karaniwang laging magkasama. Kapag nagsabay ito naroon din ang epekto ng allergy ay maging seryoso.
REMEDYO
Kailangang malaman ng isang pasyente kung saan siya unang nagkaroon ng allergy o dapat alam niya kung saan siya allergic – pagkain man ito, inumin, o pollens.
Sa allergy ang maaaring maging remedyo rito ay ang gamot na anti-histamine.
Kapag nakaramdam ng allergic reaction, mas makabubuting sumangguni sa inyong mga doktor at iwasan lagi ang mag-self medicate o basta na lamang pumili ng gamot na inaakalang makatutulong sa ganitong sitwasyon.
