Food, financial aid ipinasa ni PDu30 sa DSWD AYUDA IDIRETSO SA TAO, HINDI SA POLITIKO

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tinanggal niya sa mga politiko ang pamamahagi ng pera at pagkain dahil sa dami ng reklamo na kanyang natatanggap.

Sa televised Presidential Message ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi, Abril 1 ay sinabi nito na ibinigay niya at ipinagkatiwala kay DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista ang pamamahagi ng pera at pagkain lalo na ng bigas dahil ang DSWD aniya ay may sariling distribution network.

“Yan, ‘yung Pantawid. So meron. Idagdag na lang nila doon sa matatanggap doon sa recipient ng Pantawid. Idagdag mo na lang ang pera na ‘yan doon sa kanila kasi kanila ‘yan. Iyong pera na ‘yan, inyo ‘yan. Kaya lang hindi ko man maibibigay lahat unevenly kaya ako na ang — kami na sa gobyerno ang mag-ano mag-dis — distribute pati to determine how much,” ayon sa Pangulo.

Kaya ang pakiusap ng Pangulo sa publiko ay huwag magduda sa “dishonesty and corruption”.

Hindi aniya ito ang panahon ng pagdududa.

“Not this time. Ako mismo nagsasabi. Kasi ‘yung iba nagdi-distribute kina-cutting. Instead of seven gawain ninyong five doon sa itaas sa repacking. Kaya ngayon DSWD na at ‘yung pera DSWD pati si Secretary (Carlito) Galvez, chief implementer laban sa COVID-19,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.

Kaya wala na aniyang pakialam ang mga politiko sa aspetong ito.

“Naintindihan ninyo ‘yan? Wala na kayong pakialam. Tinanggal ko na ang politiko. Puro na ito sa gobyerno. Mga military ito pero retired. Civilian na ‘yan,” anito.

Ang mga goods, bigas, at kung ano pang ibibigay ng gobyerno ay pinabibilisan na ng Pangulo dahil pagkain aniya ang mga ito.

“At meron tayo sabi ko, mayroon tayong ginawang mga hakbang na to sustain us but only if there is order in the society. Kasi ‘pag magulo, walang order, walang distribution na mangyari kasi inaagaw, ina-ambush. Kaya mapipilitan ako na sabihin: Huwag na huwag ninyong gawin ‘yan kasi I will not hesitate to order to shoot you,” litanya ng Pangulo.

Pagdating naman aniya sa repacking ay bahala na rin ang DSWD.

Subalit ang sinOman na konektado sa paghahanda ng pagkain at pera ay binalaan niya na huwag kaltasan at huwag kunan.

“I will not — hindi ko kayo… Huhulihin ko kayo and I will detain you. Makalabas lang kayo pagkatapos ng COVID kung dadating,” ayon sa Pangulo. CHRISTIAN DALE

132

Related posts

Leave a Comment