FRIENDSHIP NG PINAS AT CHINA PABOR LANG KAY DUTERTE – DE LIMA

NANINIWALA si Senadora Leila de Lima na personal na interes lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nabenepisyuhan sa pakikipagkaibigan ng bansa sa China.

Binatikos ni de Lima ang Punong Ehekutibo nang sabihin ang territorial issue sa West Philippine Sea (WPS) ay hindi nakaapekto sa pinaniniwalaan nitong “friendship” sa pagitan ng Pilipinas at Beijing.

“When we talk about China, we cannot simply disregard and turn a blind eye on the issues on West Philippine Sea, as if the former does not take away the livelihood of Filipino fishermen or refuse to respect our territorial integrity,” saad ni De Lima.

“May kaibigan bang ginigipit at ipinagtatabuyan ka sa sarili mo pang bakuran? May kaibigan ka bang imbes na igalang at kilalanin ang inyong karapatan ay sila pa mismo ang nambu-bully at yumuyurak sa ating pambansang dangal? This so-called ‘friendship’ only exists in Duterte’s head as it only benefits his personal agenda,” dagdag nito.

“Kahit saang anggulo mo tingnan, hindi masasabi na kaibigan ang turing sa atin ng China,” diin pa ni de Lima.

Inihalimbawa pa ng senadora na “kung ang kapitbahay mo ay nagtatayo ng extension ng bahay nila sa lupa mo, nanakot sa anak at asawa mo, at pumapasok pa sa loob ng bahay mo para mang-agaw ng pagkain at kasangkapan, kaibigan pa rin ang tawag mo doon?”

“Yan ba ang ‘Ama ng Bayan’? LOL Tuta ka ng mga yan, hindi kaibigan,” giit pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

146

Related posts

Leave a Comment