TARGET ni Vice President-elect Sara Duterte, uupo rin bilang Kalihim ng Department of Education na ipatupad ang “full face-to-face classes” sa mga eskuwelahan sa Agosto.
“We are targeting that,” ayon kay VP Sara sa isang panayam sa Davao City nang tanungin kung kinokonsidera nito ang full face-to-face classes para sa mga estudyante sa darating na Agosto.
Ayon kay VP Sara, siya at si outgoing Education Secretary Leonor Briones ay nagkaroon na ng ilang written communications para sa transition ng tanggapan.
Sinabi pa ni VP Sara na nakatakda siyang magkaroon ng face-to-face meeting kay Briones sa Hunyo 25. (CHRISTIAN DALE)
