MAS pagtutuunan ng Department of Health (DOH) ang paglobo ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, ayon kay Undersecretary Rosario Vergeire.
Pag-amin ni Vergeire, malaki ang antas ng pagtaas sa bilang ng mga bagong kaso sa Metro Manila. Sa datos ng departamento, pumalo sa 70% ang naitalang pagtaas ng kaso sa kabisera kung saan pinakamataas ang bilang ng mga baklunado.
Aniya, dumoble na rin ang average case load sa naturang rehiyon kumpara sa nakalipas ng linggo, habang ang attack rate naman ay umabot na sa 1.02 – “Right now what we’re seeing is that the number of cases are continuously increasing, especially here in the National Capital Region, and we can see that this is really the start of the peak in the number of cases.”
Babala pa ni Vergeire, inaasahan ang patuloy na paglobo ng kaso sa mga susunod na dalawang linggo.
Bukod sa Metro Manila, kabilang rin sa inaantabayanan ng kagawaran ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, at Northern Mindanao.
Gayunpaman, nanindigan si Vergeire na hindi maituturing na COVID surge ang pagdami ng mga kumpirmadong kaso ng nakamamatay na karamdaman.
“Let us not call this a surge because we try to avoid using this term from the previous increases in cases because this has caused a lot of confusion among the public,” aniya.
Ayon pa sa nasabing opisyal, ang pagdami ng mga positibo sa arawang talaan ng departamento ay posibleng dulot ng pagkupas ng bias ng mga bakuna kontra COVID-19 at Omicron subvariants na batay sa mga pag-aaral ay higit na mabagsik at nakakahawa kumpara sa mga naunang anyo ng mikrobyo. (RENE CRISOSTOMO)
