FVR PUMANAW NA

MATAPOS ang mahabang pagkakahimlay sa banig ng karamdaman, tuluyan nang binawian ng buhay ang ika-12 Pangulo ng Republika ng Pilipinas – si Fidel V. Ramos.

Bagamat kinumpirma na mismo ng isang dating tauhan sa kanyang tanggapan, wala pang pahayag ang pamilya ng dating Pangulong nakipaglaban sa iba’t ibang sakit dulot ng katandaan.

Sa kanyang termino bilang punong ehekutibo mula 1992 hanggang 1998, sumipa ang ekonomiya ng bansang noo’y tinawag na “Tigre ng Asya.”

Bago pa man naluklok sa Palasyo, nagsilbing Armed Forces of the Philippines Vice Chief of Staff at hepe ng Konstabularyo si Ramos sa ilalim ng termino ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. (ama ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.). Matapos ang makasaysayang EDSA Revolution noong 1986, itinalaga naman siya ni dating Pangulong Corazon Cojuangco Aquino bilang Kalihim ng Department of National Defense (DND).

Nang magretiro sa pulitika, nanatiling aktibo pa rin si Ramos na kinuhang tagapayo ng mga sumunod na Pangulo.

171

Related posts

Leave a Comment