GALAWANG TRAYDOR NG CHINA

DPA

HABANG nagkakagulo tayo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung papaano ito ­masusugpo upang mailigtas ang buhay ng mga Filipino sa salot na ito ay tila sinasamantala naman ito ng China.

Nawala ang pokus natin lahat sa territorial issue sa West Philippine Sea dahil sa salot na at nakatuon ang atensyon ng lahat kung papaano pakainin ang 18 milyong pamilyang Filipino habang umiiral ang state of health emergency dahil sa salot na nagmula sa China.

Tila nagsamantala naman ang China dahil ipinagpapatuloy nila ang pag-ookupa at pagtatayo ng mga bagong pasilidad sa ating teritoryo sa nasabing karagatan. Wala talaga silang respeto.

Malinaw na galawang traydor ang ginagawa ng China dahil kumikilos sila habang tayong mga Filipino ay nagkukumahog kung papaano resolbahin ang COVID-19 na nagsimula sa kanilang bansa.

Laman ng mga international news network ang dalawang research station sa Kagitingan at Zamora reef na nasa loob ng ating teritoryo sa WPS na itinayo ng China at s­inimulan na ang operasyon  habang nagka­kagulo tayo sa COVID-19.

Parang noong 1995, habang nagkakagulo ang mga Filipino leaders dahil sa pulitika. nawala ang atensyon ng lahat sa West Philippine Sea at sinimulan na nila ang pananakop sa mga reef na nakapaloob sa territorial water.

Noong panahong iyon, hating-hati ang mga Filipino sa isyu nang pag-amyenda sa Saligang Batas para alisin ang term limit ng mga halal na opisyales ng gobyerno lalo na ang pangulo.

Sinamantala ito ng China at sinimulan ang kanilang pagsakop sa ating teritoryo partikular na sa Panganiban Reef o Mischief Reef at mula noon ay hindi na nila ito binitawan.

Dahil sa kanilang military power, hindi nakapalag ang Pilipinas hanggang sa sakupin ng bansang ito ang 6 pang reef ng Pilipinas sa WPS kasama na ang ­Scarborough Shoal na malapit na malapit lang sa Zambales.

Tinayuan ng mananakop na China ng kanilang military facilities ang mga teritoryo natin sa WPS na nagsisilbing banta na sa ating national security at ngayon naman ay research center.

Baka naman ililipat ng China sa ating teritoryo ang kanilang biowarfare hub mula Wuhan City kung saan unang sumabog ang COVID-19 at ngayon ay pinagdudusahan na ng buong mundo.

Kapag nangyari iyan at magkaroon ng disgrasya, tayong mga Filipino ang malalagay sa mas matinding panganib dahil nakapalayo ng China sa WPS habang 250kilo­meter lang ang layo natin sa kanilang reseach facilities.

Nakakainis pa na mapanood sa mga international new agencies na ipinagmamalaki ng China na wala na raw community transmission ng COVID-19 sa bansa at isinisisi nila ang mga bagong kaso na in-import sa kanilang bansa.

Gusto mo talagang magmura ng “g-go”. Sila ang nag-export ng ­COVID-19 at ngayon ay sasabihin nila na biktima na sila ngayon ng mga imported COVID-19 case. Ginagago ng mga ito ang mundo.

115

Related posts

Leave a Comment