Galvez before election na ang target HERD IMMUNITY MALABO SA DISYEMBRE

TALIWAS sa madalas na ibinibida ni vaccine czar Carlito Galvez, hindi mahahagip ng pamahalaan ang target nitong herd immunity kontra COVID-19 sa pagtatapos ng taon.

Gayunpaman, plano ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na makapagturok ng bakuna sa higit pa sa nauna nitong target na 70 milyong Pilipino.

Ayon kay Galvez, 80 hanggang 90 porsyento ng kabuuang 110 milyong eligible population sa bansa ang kanilang mababakunahan bago pa ang 2022 general elections na itinakda sa buwan ng Mayo.

Aniya, nasa 88 hanggang 99 milyong mga Pilipino ang mabibigyan ng proteksyon laban sa higit na mabagsik na mutates virus strain na higit na kilala bilang Delta variant sa inaasahang pagdagsa ng suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa sa pagpasok ng taong 2022.

“In order to achieve an effective population protection and herd immunity, we need to raise the target to 80 to 90 percent because we have seen the experiences of other countries like Singapore and Israel,” sambit pa ng Kalihim na makailang ulit na nagsabing mahahagip ng bansa ang herd immunity bago matapos ang taon dahil aniya sa dami ng inaasahang darating na bakuna.

Muli rin nagpahayag ng panibagong plano ang Kalihim.

“So in our plan, we need to finish the vaccination of the people by February, before the election period. So that just in case, there are violations of minimum public health standards at least the people are vaccinated.”

192

Related posts

Leave a Comment