GAMING FIRMS AT GOBYERNO, PINAGSASABONG NI CAYETANO

HINDI maitatanggi na talagang malalim na ang ugat ng sabong sa buong mundo. Kumbaga, hindi mo na ito mabura-bura pa sa sistema ng mga tao.

Aba’y alam naman natin na ang sabong ay isang laban sa gitna ng dalawang tandang o mga pansabong na manok. Siyempre, ginaganap ito sa isang “ring” na tinatawag na sabungan.

Kung pagbabatayan nga ang kasaysayan, ang ­unang naitala na paggamit ng sabong bilang isang palaro at libangan ay noong 1646 daw.

Sinasabing si George Wilson ang nagpasimula ng “cock of the game” na siyang pinakaunang kilalang libro sa sport ng sabong.

May sabong na raw kahit noong isang panahon ng paglalakbay-dagat at pagka­tuklas ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas noong 1521 na sinaksihan at naitala ni ­Antonio Pigafetta, isang chronicler.

Sabi nga, madugong laro ang sabong. Kung minsan ay mas higit pa raw para sa layunin na makapagdulot ng libangan ang sabong.

Kinakabitan ang mga manok ng matatalim na metal spurs sa kanilang orihinal na tahid.

Bagama’t hindi lahat ng mga laban ay humahantong sa kamatayan, ang mga manok ay nakararanas daw nang mangilan-ilang mga pisikal na trauma.

Sa pag-ikot ng panahon, nabuo ang mga arena at cockpit. Doon ginaganap ang mga legal na sabong.

Ang illegal naman ay tinatawag na tupada na madalas ay maraming nahuhuli.

Kaya raw galit si Cong. Alan Peter Cayetano sa sabong ay dahil marami raw ang nagugumon dulot nito.

Nahuhumaling daw ang mga tao at maraming naghihirap bunga ng sugal na ito.

Tinututulan din ni ­Caye­tano ang ilang online gambling, kabilang nga ang e-sabong o online sabong.

Well, tama naman si ­Cayetano na dapat sugpuin ang mga illegal pero hindi dapat kasama ang mga legal na gaming firm.

May mga online sabong na legal naman at nakapagbibigay ng maraming oportunidad na trabaho sa mga kababayan natin. Ang illegal sabong sites ang dapat sugpuin ni Cayetano.

Huwag naman niyang pag-initan ang mga ­nagre-remit ng milyun-­milyong tax o buwis sa kaban ng bayan.

Dapat suportahan ang mga panukala sa Kamara de Representantes na nagbibigay ng prangkisa sa mga nais mag-operate ng e-­sabong para maging legal na ito.

Nagtataka naman ako rito kay Cayetano dahil hindi raw siya sang-ayon sa sabong pero pinagsasabong niya ang gobyerno at ang legal online sabong operators.

Bakit kaya sobrang lalim ng galit ni Cayetano sa e-sabong? ‘Yan ang ating abangan sa susunod na
kabanata!

171

Related posts

Leave a Comment