GANTI SA CELTICS NI ADEBAYO, HEAT

PRESENT si Bam Adebayo sa pahirapang Game 3 win ng ­Miami Heat kontra Celtics, 109-103, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa TD Garden sa Boston.

Isang all-around performance ang ipinamalas ni Adebayo – 31 points, 10 rebounds, six assists at four steals.

Ito’y makaraang magtala lamang ng walong puntos sa Games 1 at 2.

Bunga nito, hawak ng Miami ang 2-1 lead sa Eastern ­Conference finals series.

Matapos magtamo ng injury ni Miami star Jimmy Butler at hindi na sumalang sa second half, nag-step-up si Adebayo upang pigilan ang paghahabol ng Boston na nagawang maibaba ang 26-point first half deficit sa 93-92, halos tatlong minuto na lamang sa laro.

Ang Boston, nilampaso ang Heat sa Game 2, ay naiwang nag-iisip hinggil sa nakomit na 23 turn­overs. Nabalewala rin ang 40-point performance ni Celtics’ Jaylen Brown.

Malaking bagay ang pagposas ni Miami’s P.J. Tucker kay Celtics’ star Jayson Tatum upang mapigilan ang offensive weapon ng Boston.

Resulta, nakapagsumite si Tatum ng 10 points lang buhat sa 3-of-14 shooting.

Sa simula ng second quarter, 26 puntos na ang abante ng Heat, 46-20. Humabol ang Celtics via 10-0 run at nabawasan ang kalamangan ng Heat sa 15 puntos bago ang halftime break.

Naging susi rin sa laro ng ­Miami ang pagbabalik-aksyon ni Kyle Lowry, nagbigay ng dagdag sakit ng ulo sa Boston na nagkomit ng 11 turnovers sa first half.

Sa pagpasok ng third quarter, kinumpirma ng Miami na hindi na makalalaro si Butler sa kabuuan ng second half bunga ng right knee inflammation.

Sa parte ng Boston, na-twist naman ang right ankle ni Smart nang makipagbanggaan kay Lowry sabay tungo sa locker room.

Nakabalik naman si Smart makalipas ang ilang minuto, bagay na ikinatuwa ng fans lalo na nang bumato ng three-pointer at idikit ang Celtics sa 10-pt deficit.

Sa Boston pa rin ang Game 4 sa Lunes (Martes sa Manila). (VT ROMANO)

93

Related posts

Leave a Comment