Gatchalian nagpasaklolo sa NBI CREDIT CARD HACKERS PINATUTUGIS

HINILING ni Senator Sherwin Gatchalian sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang nangyaring pag-hack sa kanyang credit card upang mabatid kung sino ang nasa likod nito.

Ayon sa senador na nagtungo sa NBI Headquarters dakong alas-10:00 ng umaga nitong Huwebes, naka-order ang hindi pa kilalang hacker ng P1 milyong halaga ng pagkain sa Food Panda.

Sinabi ng senador, nakagawa ang hacker ng apat na transaksyon sa loob lamang ng isang oras.

Nagawa umanong mapalitan ng hacker ang nakarehistrong phone number ng senador kaya nakuha ang one-time pin.

Nangyari aniya ang apat na transaksyon sa pagitan ng alas- 4:47 ng hapon hanggang alas-5:49 ng hapon noong Martes, Enero 5.

Ang unang transaksyon ay nagkakahalaga ng P96,000; mahigit naman sa P323,000 sa ikalawang transaksyon; mahigit P356,000 sa ikatlong transaksyon at mahigit P300,000 ang ikaapat na transaksyon.

Samantala, nagsasagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang Union Bank sa napaulat na pag-hack sa credit card ni Gatchalian. (RENE CRISOSTOMO)

136

Related posts

Leave a Comment