GEN. TORRE TETESTIGO LABAN KAY QUIBOLOY

NAKATAKDANG tumestigo si dating Philippine National Police (PNP) chief Nicolas Torre III laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy.

Magugunitang ang on-leave police general ang nanguna sa ilang araw na paghahanap at tuluyang pagdakip kay Quiboloy, sa isinagawang search and law enforcement operation sa compound ng KOJC sa Davao City.

Si Torre ay naghain ng kanyang official leave noong Agosto 26 na magtatagal hanggang Oktubre 31, matapos siyang halinhan ni Acting PNP chief Melencio Nartatez.

Sa panayam ng media, inihayag ni Torre na nakatakda sa susunod na linggo ang kanyang unang appearance ngunit hindi pa sigurado kung makadadalo siya dahil nananatili siyang naka-leave habang mayroon din aniyang conflict sa kanyang schedule sa naturang araw.

Kinumpirma ng dating PNP chief na nakatakda siyang mag-testify sa korte sa darating na Oktubre 23 kaugnay sa kasong kinasasangkutan ni KOJC leader Pastor Apollo Quiboloy.

“I am set to testify kay Quiboloy sa October 23 sa Pasig,” ani Torre subalit ang kanyang pagdalo ay nakadepende pagtatakda ng petsa ng prosekusyon lalo pa at on leave siya. “Maybe the prosecution team will ask for leave of court. Tingnan natin kung ano ang pwede magawa diyan.”

Samantala, nilinaw ng PNP General na nananatili ang kanyang suporta sa mga proyekto ng pamahalaan, kasama na ang Bagong Pilipinas program ni Pangulong Marcos.

Dagdag pa ni Torre, sa gitna ng mga kasalukuyang usapin at mga kaguluhan ay hindi rin dapat mawala ang suporta ng bawat isa sa Saligang Batas, at ang pagsunod sa chain of command.

(JESSE RUIZ)

27

Related posts

Leave a Comment