GIANNIS, GREECE KAPOS SA GERMANY

TALSIK si Giannis Antetokounmpo sa laro, kasunod nito naglaho ang pag-asa ng Greece makapag-uwi ng European championship.

Sinamantala naman ito ng host Germany tungo sa 107-96 win kontra Greece, Martes (Miyerkoles sa Manila).

Nanguna sa Germany si former Houston Rockets player Dennis Schroder na umiskor ng 26 points, habang nagdagdag si Daniel Theis, kati-trade pa lang mula Boston ­Celtics papuntang Indiana Pacers, ng 13-points at 16 rebounds.

Muling nagpamalas ng ­monster game si Antetokounmpo para sa Greece, 31 points, eight assists at seven rebounds sa 30 minuto. Subalit nabigyan ng dalawang ‘unsportsmanlike conduct fouls’ at naging dahilan para ma-eject, 4:56 pa sa laro.

Hinahabol ng Greece ang 14 puntos nang matawagan ang Milwaukee Bucks star ng ikalawang ‘unsportsmanlike foul’ at buhat doon kinontrol na ng Germany ang laro.

May tsansa ngayon ang Germany makamit ang ikalawang medalya sa huling 13 appearances sa EuroBasket.

Napanalunan ng Germans ang European title noong 1993 at pumangalawa noong 2005.

FINLAND TALSIK
SA SPAIN

SA ika-11 straight Eurobasket tournament, ang defending champions Spain ay sasabak sa semifinals kasunod ng 100-90 win kontra Finland.

Nagsumite si Willy Hernangomez ng 27 points, five rebounds at block buhat sa 10-of-13 shooting at 7-of-8 sa charity lane.

Tinalo ng tropa ni Hernangomez, lumalaro sa New Orleans Pelicans, ang Finland na pinangunahan ni Jazz forward Lauri Markkanen, umiskor ng game-high 28 points, 11 boards, three dimes, two steals at two triples.

Mainit na sinimulan ng Finland ang laro nang umabante, 30-19. Umangat pa nang hanggang 15 sa first half, ngunit nanatiling kalmado ang Spain at binawasan ang ­Finland lead, 52-43 sa halftime.

Makaraan ang break, nagsimulang mag-init ang opensa ng Spain at binuksan ang second half sa 14-5 run, 10 rito galing kay Hernangomez na nagpamalas din ng multiple dunks.

Isang three-pointer ni Joel Parra ang naglagay sa Spain sa unahan, 60-57.

Nakadikit pa ang Finland, 84-80, may limang minuto pa, subalit nanatiling relax ang Spain habang nagpapaulan ng tress a final ­minutes tungo sa tagumpay.

Makakasagupa ng Spain ang Germany sa semifinals. (VT ROMANO)

180

Related posts

Leave a Comment