GIFT GIVING AT FEEDING NG MIRA AGROPARK AT DIEGO ILORICO

Ikinatuwa ng mga residente ng Sitio Magata, Brgy. Laiban, Tanay, Rizal ang isinagawang Gift Giving at Feeding Program ng Mira Agropark Company at ni Diego Ilorico (showbiz personality) sa kanilang lugar noong Mayo 21, 2023.


Nasa 200 beneficiaries mula sa 700 mga residente ng naturang lugar ang nakinabang ng Gift Giving Activity at Feeding Program na isinagawa ng Mira AgroPark at ni Diego Ilorico.

Bukod dito, naging bahagi rin nito ang Dada’s Litson at naging official media partner din ang SAKSINGAYON (Peryodiko Filipino Inc.).

Ayon kay Mira AgroPark Operations Manager Christian Singco, ginagawa nila ang nasabing pagtulong sa mga katutubong Dumagat at iba bilang pagtupad nila ng kanilang social responsability.
Kasabay nito, tiniyak din niya magpapatuloy ang kanilang Gift Giving at Feeding Program sa mga susunod na buwan.

Sa katunayan sa susunod na buwan (Hunyo) ay magsasagawa rin sila ng ganitong aktibidad sa Molino, Cavite.

 

Sa panayam ng SAKSINGAYON kay Diego Ilorico na kilalang personalidad ng Bubble Gang na pinamumunuan ni Bitoy (Michael V.) ang outreach program ay ginagawa nila once a month kasama ng kanilang friends.

 

Diego Llorico, John Heindrick, Jhassy Busran & MJ Manuel

Anya, ang kanilang Dada’s Litson na may property sa nabanggi na lugar kung saan sila nagsagawa ng Gift Giving at Feeding Program.

Sinabi pa ni Diego na kaya sumama sa naturang aktibidad dahil hindi niya naranasan maglaro nung kabataan niya dahil 7 taong gulang pa lamang siya ay nagtatrabaho na siya.

Dahil dito, ay natutuwa siya na may nakikitang siyang bata na naglalaro habang nasa kabataan pa sila dahil hindi niya ito naranasan.

Idinagdag pa niya na bata pa lamang siya namulat na siyang maghanapbuhay dahil sa kanilang kahirapan kaya hanggat maaari ay ayaw niyang maranasan ng ibang bata ang kanyang pinagdaanan nang kabataan niya.

“Hindi ganun kasaya ang childhood ko at early age ko ay nagtatrabaho na ako, gusto ko every child gusto ko maranasan nila maglaro, may mga laruan ako, hindi ko makapaglaro, 7 years old pa lang ako ay nagtitinda na ako ng bibingka,” pahabol pa ni Diego.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Diego ang mga nakiisa sa kanilang Gift Giving Activity at Feeding Program na tiniyak niya na magpapatuloy ito sa susunod mga buwan pa.(Joel O. Amongo)

693

Related posts

Leave a Comment