GILAS, IMPRESIBO SA PANALO

Indonesia pinahirapan

“THE future of Philippine basketball is bright.”

Ito ang masayang pahayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa panalo ng Gilas Pilipinas kontra Indonesia, 100-70, sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.

“What we saw in the game against Indonesia was just a glimpse of what could be and we’re all excited to explore what’s next in the development of our young players and the whole team,” pahayag pa ng SBP.

Bumida si Thirdy Ravena para sa Gilas nang umiskor ng 23, kabilang ang tatlong triples, 8 rebounds, 3 assists at 2 blocks.

Nagdagdag si Roger Pogoy ng 16 points at 6 boards habang may 11 points si CJ Perez at tig-10 sina Juan Gomez de Liano at Kiefer Ravena.

Hindi naging madali para sa national team ang unang tatlong quarters ngunit sa huli ay binuhat ito ng mga batang Gilas players.

Bago ang game na muntik nang hindi natuloy nang hilingin ng host Indonesia na ma-postpone ito dahil sa coronavirus-19 scare ngunit hindi pumayag ang FIBA, sinabi ni Gilas coach Mark Dickel na magiging dikit ang laban ng dalawang teams base sa nakita niyang laro ng kalaban sa 30th Southeast Asian Games.

Hindi naman nagkamali si Dickel dahil halos hindi nag-iwanan ang dalawang team, maliban na lang noong nagsimulang pumutok ang opensa ng Gilas sa kalahatian ng third quarter.

Pinangunahan ni Thirdy ang 12-0 run para mula sa apat na puntos na kalamangan (55-51) ay lumobo ito sa  16 puntos (67-51).

Pagpasok ng final quarter ay nagtuloy-tuloy ang momentum ng Gilas at na-outscore ang Rajko Toroman-coached Indonesia squad (33-17) para hablutin ang unang panalo sa Asia Cup.  (EBG)

207

Related posts

Leave a Comment