ARESTADO sa bisa ng warrant of arrest ang isang 44-anyos na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng ilegal na droga, sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Malate Police Station 9 ng Manila Police District, noong Lunes ng umaga sa Arellano Avenue malapit sa Augusto Francisco Street, Barangay 753, Malate, Manila.
Kinilala ang suspek na si alyas “Obit”, jobless, residente ng Adriatico Street, Malate.
Batay sa ulat Police Captain Armando Peñaflor Jr., hepe ng Warrant Section at ng Station Investigation Division Management Section (SIMDS), bandang alas-8:30 ng umaga nang mamataan ang suspek sa naturang lugar.
Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Danilo Leyva, ng Regional Trial Court Branch 175 ng Manila, inaresto ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(RENE CRISOSTOMO)
