CAVITE – Patay ang isang ginang makaraang suntukin sa panga ng kanyang live-in partner nang hindi sumunod sa utos ang biktima na maghugas at magligpit ng kanilang pinag-inuman noong Martes ng gabi sa bayan ng Tanza sa lalawigan.
Isinugod pa sa MV Santiago Hospital ang biktimang si alyas “Daisy” subalit hindi umabot nang buhay.
Arestado naman ang suspek na si alyas “Alexis” sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente bandang alas-10:00 ng gabi sa bahay ng mag-live-in sa Brgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite kung saan nag-inuman ang suspek at mga barkada nito.
Matapos ang kanilang inuman, inutusan ng suspek ang kanyang live-in partner na maghugas at magligpit ng kanilang ginamit sa inuman.
Sinasabing pagod pa ang babae na ikinairita ng kanyang live-in partner kaya sinuntok sa panga na nagresulta sa pagkamatay ng biktima.
(SIGFRED ADSUARA)
17
