ARESTADO ang isang wanted person sa kasong carnapping sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City.
Ayon sa ulat, ang 29-anyos na suspek na si alyas “Bugoy” ay kabilang sa talaan ng most wanted persons ng Caloocan City Police Station, kaya pinaigting ng pulisya ang pagtugis sa kanya.
Nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon City Police, hinggil sa kinaroroonan ni Bugoy ay kaagad ikinasa ang operasyon laban sa suspek.
Dakong alas-3:50 ng hapon nang tuluyang makorner ng mga operatiba ng WSS ang suspek sa Hasa-Hasa Street, Barangay Longos.
Maayos naman umanong sumama ang suspek matapos isilbi ng pulisya ang warrant of arrest para sa kasong paglabag sa R.A. 10883 o ang New Anti-Carnapping Law, na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 122, ng Caloocan City, na may inirekomendang piyansa na P300,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.
(MARDE INFANTE)
21
