GINANG TIMBOG SA BUY-BUST

BINITBIT ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs Enforcement Unit ng Manila Police District-Station 2 ang isang ginang na sinasabing tulak ng marijuana sa Tondo, Manila, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Aida Dela Cruz y Anastacio, 49, cook, ng #1670 Juan Luna St., sakop ng Brgy. 61 sa Tondo.

Ang ginang ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5, Article ll ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., station commander, bandang alas-9:10 ng gabi noong Biyernes nang isagawa ang buy-bust operation ng kanyang mga tauhan sa Juan Luna St. malapit sa Moriones St. sakop ng Brgy. 6, Zone 1 sa Tondo.

Sa pangunguna ni P/Capt. Loreto Tigno, hepe ng MPD- SDEU ng Station 2, at sa team leader na si P/Cpl. Allan Punongbayan, nadakip ang suspek makaraang bentahan ng P500 halaga ng umano’y marijuana ang poseur buyer.

Nakakumpiska sa suspek ang dalawang balot ng marijuana na aabot sa dalawang kilo at tinatayang P240,000 ang halaga. (RENE CRISOSTOMO)

125

Related posts

Leave a Comment