ASAM ni International Master Angelo Young na makamit ang Grandmaster title, kahit sa edad 65.
“‘Yung Grandmaster title, ‘yan ang ultimate dream namin mga players. Hindi pa huli ang lahat at kung papalarin ngayong taon, makukuha natin ang title bilang oldest player na makakuha ng GM,” pahayag ni Young sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) sa Behrouz Restaurant sa Timog, Quezon City.
Sasabak ang 8-time Illinois USA champion sa 2022 Asian Senior sa New Zealand sa susunod na buwan, matapos manguna sa 11th Datu Arthur Tan Seniors Chess Championship kamakailan sa Kuala Lumpur, Malaysia.
“This is the start of my European tour circuit para makuha ‘yung GM title. ‘Pag naipanalo ko ‘yung mga tournament na sasalihan ko, automatic makukuha ko ‘yung GM title,” paliwanag niya.
Mula NZ, sunod magpapartisipa si Young sa World Senior Championship sa Nobyembre 14-27 sa Assisi, Italy; 33ste Open Van Leuven, Nob. 10-13 sa Leuven, Belgium; The Grand Memorial Rene Vannerom, Disyembre 2-3 sa Brussels, Belgium; IX Sunway Sitges International Chess Festival, Dis. 11-22 sa Sitges, Barcelona, Spain; at Basel Christmas Chess Festival, Dis. 26-30 sa Basel, Switzerland.
“Kumpiyansa ako sa career ko, may nagawa akong record na manalo againt 12 Grandmasters in a span of six months. Malaking story ‘yan noon dahil ako lang nakagawa noon,” pagmamalaki ni Young. (DENNIS IÑIGO)
177
