GO, PAGOD NA RAW ‘DI TATAKBO SA 2022

WALA umanong balak si Senador Christopher ‘Bong’ Go na kumandidato sa 2022 Presidential elections dahil sa matinding pagod.

“Hindi po ako interesadong tumakbo, pagod na pagod na po ako, pagod na pagod na kami ni Pangulong (Rodrigo) Duterte. Sa hirap po na dinaranas natin ngayon, nasa pandemya po tayo, ay talagang napakahirap,” diin ni Go.

Muling binigyang-diin ni Go na kailangan munang malampasan ng bansa ang krisis na kinakaharap ngayon sa COVID-19.

“Ang importante sa akin ngayon ay malampasan ang pandemyang ito baka kung hindi natin ito malampasan ay wala tayong pulitikang pag-uusapan,” diin pa ni Go.

Gayunman, iginiit din nito na ipinauubaya na niya sa Maykapal ang kanyang magiging kapalaran.

“I leave my fate to God, to the Dutertes and to the Filipino people to whom I owe the privilege of serving this nation as a public servant,” diin nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

146

Related posts

Leave a Comment