GORDON BIBITBITIN SA OMBUDSMAN

MULING binantaan ni Pangulong Duterte si Senador Richard Gordon na tatawagin ang Ombudsman kung hindi nito maibabalik ang P86 milyong ibinulsa umano ng senador nang ito ay magsilbing chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Sa kanyang Talk to the People ay muling kinastigo ng Pangulo ang Senate Blue Ribbon Committee.

“Lahat naman talaga dapat magbayad ng buwis at kung kailangan magbayad, singilan para magbayad ‘yung mga may atraso sa gobyerno,” ayon kay Pangulong Duterte.

“Kagaya ni Sen. Gordon, you have not even taken steps to deliver the 86 million and so I think we will have to see if we can call on the Ombudsman to step in because matagal na itong utang na ito,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

Giit ng Pangulo, ang naging kautusan ng Korte Suprema kay Gordon na ibalik ang nasabing pondo ay “final and executory.”

Ang P86 million ay bahagi ng P146 million na dinis-allow ng COA sa kanilang audit report sa SBMA kung saan si Senador Gordon ang chairman noon ng ahensya.

“Bayaran mo, marami ka namang pera diyan. Personal mo ‘yan eh, disallowance. Ibig sabihin ‘yong P86 million napunta sa kamay mo, hindi mo ‘yan ginastos nang husto sa gobyerno. Ginamit mo ang pera o ninakaw mo, isauli mo ‘yan, personal, hindi ‘yong property ng SBMA,” anang Pangulo.

Kapag aniya isinauli ni Gordon ang P86 million ay ibibigay ito kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez para ibili ng mga bakuna laban sa COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

224

Related posts

Leave a Comment