TARGET NI KA REX CAYANONG
TULOY-TULOY ang serbisyo-publiko nina dating Congw. Trina Enverga at Cong. Mark Enverga.
Sa katunayan, kamakailan ay nai-turnover na ang bagong Dialysis Center ng Claro M. Recto Memorial District Hospital sa bayan ng Infanta.
“Sobrang pasasalamat po kay former Speaker Lord Allan Jay Velasco sa malaking tulong sa pagsasakatuparan ng proyektong ito. Salamat din kina former Congw. Trina at Cong. Mark na hindi tumitigil sa pagbibigay ng tulong sa Unang Distrito at maging kay Vice Mayor LA Ruanto na matibay nating kabalikatan sa Infanta,” wika ni Gov. Helen Tan.
Kasabay nito, inanunsiyo rin ni Tan na “mahigit sa 700 [na] mag-aaral sa Picab Elementary School sa Brgy. Catambungan, Infanta, Quezon” ang kanilang natulungan.
“Maliit na paaralan kung kaya halos magsiksikan at hirap na ang ating mga guro sa pag-oorganisa sa oras upang makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo. Isa lamang ito sa dami ng eskwelahan sa buong lalawigan na nais pa nating bigyan ng aksyon sa hinaharap,” ani Tan.
“Sa pakikipagbalikatan natin kay Cong. Mark Enverga at VM Ruanto, tayo po ay nagkaloob ng isang ektaryang lupain mula sa ating sariling sikap program upang tayuan ng mga bagong silid-aralan. Nakakaantig ng puso ang mga mensaheng ipinaabot sa atin ng mga magulang at guro sa programa, napakalaking biyaya nito sa buong Paaralang Elementarya ng Picab.”
Masaya ring ibinalita ng masipag na gobernadora na nai-turnover na rin ang bagong Land Transportation Office (LTO) Extension Office sa Brgy. Pilaway, Infanta, Quezon.
Kaya nagpasalamat si Tan kay dating Congw. Trina (principal author) na hindi tumigil para ipaglaban ang batas na may kaugnayan dito, at kay Cong. Mark Enverga sa buong pagsuporta sa proyekto.
“Maraming salamat din kay VM Ruanto na naging instrumento upang maisakatuparan ang proyektong ito, kay Engr. Rommel Sarmiento sa donasyon niyang lupa, at sa LTO family sa pangunguna ni RD Gerry Cupido Asuncion (represented by Engr. Eugene Diaz). Malaking kaginhawaan ito sa mamamayan ng Reina Pogi [dahil] hindi na sila dadayo pa sa Laguna at Lucena para lamang maabot ang serbisyo ng LTO.”
Saludo po kami sa inyong lahat mga bossing.
Kaya ikalat natin sa social media ang #STANQuezonBetterTogether at #SerbisyongTunayAtNatural.
Mabuhay po kayo at God bless!
